Friday, October 4, 2013

Iguguhit ko ang Kahapon


Sa langit iguguhit ko ang kahapon
Masasayabg pagsasama sa mahabang panahon
Anumang suliranin na ating sinuong
At ang araw na kita ay tinugon

Sa pagsikat ng araw aking masislay
Ang ating kahapon kahit pa may lumbay
Magbibigay gabay sa pagsubok ng buhay
Panibagong pag asang magiging makulay


Sa pagsapit ng dilim huwag alalahanin
Magsisilbing liwanag ang buwan at mga bituin
‘di mapapawi kahit ano pa ang gawin

Ang nakaguhit na kahapon natin.

No comments:

Post a Comment