Friday, October 4, 2013

Hanggang wakas

 Kakaibang pag-ibig biglang umusbong
Noong simula’y ‘di kayang tumugon;
Sapagkat mali ang ating sitwasyon
At tayo’y nagkita sa maling panahon.


Mali man sa iba, ngunit tamang nadarama
Dalawang pusong magkatugmang, parang iisa;
Dumaan sa hirap ating pagsaasma
Sapagkat tinutuligsa, ng bawat makakita.


Sa kabila ng lahat tayo ay lumaban
“Hanggang wakas” ang ating sumpaan;
Sa puso nati’y ‘di kalilimutan
Ang wagas na ating pagmamahalan.


No comments:

Post a Comment